Sunday, September 18, 2011

Ikaw, DUGYOT ka din ba??

Dugyot? Ano ba yun?"poor hygiene practice"  na lang para maintindihan mo. Pede din ang "DAMAK" o kaya "KADIRI". Totoo ba na kulang sa pagpapahalaga sa paligid at sa katawan ang mga PILIPINO o baka naman talagang wala lang tayong pakialam?Ang "comfort room" na ata ng Pinoy eh ang kalsada na.Pano ba naman,san na ba umiihi ang Pinoy pag tinatawag ng inang kalikasan?Pag lasing na at naiihi,eh di dyan na lang sa tabi,sa pader,sa gulong o kaya para makatulong din sa environment =..,eh sa mga puno at halaman na lang.Dilig-dilig na lang para di din masama.PWEH!!!San ba sila nagdi-dial ng ilong (busy pa ata ang tinatawagan kasi paulit-ulit at ang tagal pa mag dial)? Humarap ka sa nakaparadang sasakyan at dun ka manalamin sa tinted na salamin ng kotse.Minsan kahit wala ng salamin,basta matangal lng ang bara ng ilong.Dura dito Dura doon.Dura anywhere you want pa.Haaaayyy.presko!



May nakita ka na ba na lalaking umiihi sa daan?Ano naramdaman mo? "Kaderder naman to!"..sa susunod na kanto may umiihi ulit,: "Damak din tong tao na to"...pag uwi mo may mga nag iinuman,.xempre iihi din yan para pangpatanggal ng amats.."uso ba umihi sa daan?Kadiri naman mga to!" pag tumagal parang wala ng dating sayo,nasanay ka na kasi araw2 mo nakikita eh.Pero db kahit nakasanayan na,pag mali eh mali pa din?Kulang daw kasi sa palikuran.,weh?parang di naman.!meron nga jan eh.ang dami..ginagawa nyo lang art paper kaka-vandal nyo ng kung ano2!dinaig pa ang facebook sa dami ng post.onga madumi at mapanghi yun.pero d naman yun dudumi at papanghi kung hindi nyo dinumihan at pinanghingan e.Pero hindi lang pala mga lalaki ang umiihi sa kalsada.Meron din mga babae!owwwsssss..di nga??kanina sa napanood ko may mga babae na umiihi sa daan.dumudumi pa nga e.napanood ko sa Imbestigador..oo!dumudumi ung babae.wag na natin pag usapan..basta naglabas siya ng sama ng loob!sa PUBLIC!
sabi nga sa picute na nasa baba e JUST DO IT!sponsored pa ata ng NIKE!


Usapang dugyot,mawawala ba dyan ang "YOSI!" hindi ko sinasabi na Bawal un.pede naman eh kaso sana sa tamang lugar.Sana dun ka na lng sa bahay mo.O kaya sa lugar na pede mo ibuga yan.Wag kang dragon!gusto ko din naman kasi lumanghap ng sariwang hangin.Kung pede lang sermonan ang mga nagyo-yosi na yan kung ano ang nagagawa ng sigarilyo sa katawan nila e gagawin ko. Itong picture sa taas,driver ka ng jeep manong!pag bihuga mo yan langhap sarap yan ng mga pasahero mo.Papasok ka plang ng eskwelahan o office amoy yosi ka na.(Minsan nabugahan ka lng na nakatabi mo,akala tuloy ng GF/magulang mo eh nag yoyosi ka na,wala lng,nasingit ko lang yun kasi nangyari n skn un eh)..Personal opinion ko lang to para sa mga babae ha..Kahit anong ganda mo,gano ka man kaputi,kahit daig mo pa ang bote ng coke sa kaseksihan at talo mo ung tsunami walk ni Shamcey Supsup..kung nag yo-yosi ka eh TURN OFF yun!Amoy yosi ka na tas magpapabango ka ng napakatapang na amoy!hindi ka babango!lalo ka pang babaho!sakit sa ilong,wag ka nlng manigarilyo para mabango ka.ganon lang naman kadali yun e,.Opinion lang yun ha.kung sa iba e ok lang un eh d ok.sakin lang naman hindi,,Hindi kasi maganda tignan sa babae yun..

teka,ito pa pala si IDOL on the movesss..idol mo din ba siya?
 Ano ang kasunod ng yosi?eh di DURA!ano ang masamang epekto ng DURA?wala.tatangayin naman yan ng ulan,di naman dagdag sa kalat yan eh.wala lng.Nakakadiri p din yun!may napanood ako dati.hindi ko tanda kung anong channel.Yun yung nanghuhuli ung mga MMDA ng mga nagyo-yosi at dumudura sa daan,may isang ALE,oo babae siya,ale kasi matanda na..dumura sa estero tas nung hinuli siya nagalit pa siya,.Hindi naman daw nakakabara yun,hindi din nakakapag dulot ng baha.TAMA nga naman.may point siya!ang sarap niyang......DURAAN sa muka!

sa totoo lang,kelangan pa ba talaga ng gantong sign?

Pede naman na wala na to eh..hindi ko lang maintindihan kasi alam na dapat yan eh.Hindi na kelangan gawan ng sign. Pasaway lang talaga.

Ano ba ang usong sisihin pag may baha??eh di ang mga tambak na basura!Sige sisihin ang iba,sisihin ang gobyerno, sisihin ang kapitbahay!"kalat ko yan,pero dahil wala yan sa tapat ko eh hindi ko pupulitin yan!" hindi ba kayo nababahuan?Bakit ba tinatapon nyo basura nyo sa kung saan-saan?Ang dami namang basurahan e.Bakit kelangan sa kalsada pa?bakit sa ilog,canal,daanan?Dahil may Metro Aid o Pulis Oysters na maglilinis?Dahil may mga nakikinabang sa basura dahil ang pera ay nasa basura!soowwwws.Sipain ko kaya kayo sa kili-kili eh.(joke lang)..Pero hnd ba pwede ung ibulsa na lang mga balat ng candy?o Kaya itapon sa basurahan?mahirap ba yun?hindi naman e.Tas pag binaha turo dito,sisi doon,hay.yun na lang masasabi ko!HAY!

 Hindi pa tapos..pano naman yung mga sumisinga sa daan?ano yan?pinag yayabang nyo na may sipon o plema kayo at pinapakita nyo pa samin?wag na oyy.pls lang..meron pa ulit.last na..ung pag sipol ng babae.ginagawa ba yun sa ibang bansa?pag sinipulan mo ang babae matutuwa ba sila?magiging instant GF mo ba un?sana nga ganun na lang.pero di ako marunong sumipol eh.respeto na mga mga tol,babae yan..kung seksi sila o maganda,sabihin nyo,wag nyo na lang sipulan ha..

Totoo ba na wala tayong disiplina?Tingin ko hindi.pasaway lang talaga ung karamihan saten.hmmmm.sige yung iba na lang pla ang pasaway..Pero bakit ang pinoy pag nasa ibang bansa ang bait2.Sumusunod sila sa mga batas.Walang dumudura,walang nagkakalat,walang naninigarilyo sa bawala na lugar.Hindi pa ko makakapunta sa ibang bansa pero naniniwala ako na marunong sumunod ang mga Pilipino.May disiplina tayo!Ewan lang kung ano nangyari sa bansa naten..Ngapala.alam nyo ba na ang Manila ang pang LIMA sa pinaka-maruming lugar sa buong mundo ayon sa WHO!wooow!pang 5!ganon ba tayo ka-DUGYOT??

Hindi tunkol sa kadugyutan pero isasali ko na din.Habang papasok ka sa eskwelahan o sa office mo, may napansin ka bang gantong sign?


plsss lang.utang na loob.Kelangan pa ba ng ganyan??????

Tuesday, September 13, 2011

Anong Petsa na?? Petsa by Golly Wow!




Anong petsa na???Ngayon lang ako gumawa ng blog. Ngayon lang ako natuto eh..


Hindi pa ako sanay dito kaya pagit pa ang layout, pero exciting..meron kaya magbabasa neto?Active pa kaya to after uhmmm 1 week? 2 weeks? Ewan..kahit wala nagbabasa, gagawa at magsusulat pa din ako ng blog, bakit? kasi LONER ako at wala akong kausap, wala ako mapag sabihan ng mga interest ko..ayun lang."TISTENG" lang to..next time nako gagawa ng matinong post.!